Ano Ang Sanhi at Gamot sa Lagnat sa Gabi ng Bata?

Ang lagnat o mataas na temperatura ng katawan ay hindi sakit. Ang pabalik balik na lagnat ay isang hindi maitatagong sintomas ng isang uri ng kalagayan na nangangailangan ng atensyon kadalasan ay dala ng impeksyon. Ngunit bakit kaya sa tuwing gabi lang?Lagnat tuwing madaling araw, tuwing hapon pawala walang lagnat, mayroon ba nito? Nakakatakot isipin kung kulang ang iyong kaaalaman sa tungkol dito. Pero bakit nga ba nangyayari ang mga ganitong klaseng lagnat? may paliwanag ba ang Science tungkol dito.

Ano ang sanhi ng lagnat sa gabi ng bata?

Nilalagnat ba tuwing gabi ang inyong anak pero napakasigla naman nito sa buong araw. Nakakalungkot ispin na tuwing gabi na lamang ay mapapansin mo ang iyong anak na nang hihina at walang ganang kumain at kapag hinawakan mo siya ay mainit ang kanyang katawan. Mag papainom ka na naman ng gamot at kinaumagahan ay tila ba walang nangyari sa bata. Ngunit pagsapit ng gabi ay babalik na naman. Ano kaya ang mga sanhi nito?

  • Cold/ubo at sipon. Ang ubo at sipon ay karaniwan na lamang sa mga bata. Ngunit isa pala itong sanhi kung bakit tuwing gabi na lamang ay may lagnat ang iyong anak. Ayon sa pagaaral, Ito ay dahil lamang sa pag babago ng temperatura ng paligid kung kaya’t tuwing gabi ito umaatake dahil malamig.
  • Kulang sa tulog. Dahil nga napakasigla ng bata tuwing umaga at dahil bata pa ito, natural lamang sa kanila ang maglaro. Pero kailangan bang hayaan lang silang maglaro maghapon? Para sa mga magulang, ugaliing patulogin ang anak tuwing hapon upang may sapat itong pahinga. Dahil kung pagaod ang bata sa maghapon na paglaro ay maarari talaga siyang lagnatin.
  • Mahina ang resistensya o immune system. Isa ito sa mga pangunahing dahilan kung bakit tuwing gabi ay may lagnat ang bata. Mahina ang kanyang resistensya upang labanan ang ganitong birus na umaatake tuwing gabi. Kagaya nga ng nabanggit ng mga eksperto, ang wet and cold environment ang paborito ng birus.

Lagnat tuwing gabi o tuwing hapon at madaling araw: bakit kaya pabalik-balik?

Ayon sa mga doktor dahil nga sa pag babago ng temperatura o ang biglaang pag lamig ng temperatura ng paligid ay nagiging sanhi ng pagkakaroon ng lagnat tuwing gabi, tuwing hapon, tuwing madaling araw. Kaya pinapayohan ng mga doktor ang mga magulang na mas mabuti na manatili na lamang sa loob ng bahay ang kanilang mga bata upang makaiwas ito sa lamig at huwag ng dapoan ng lagnat. Paborito ng birus ang basa at malamig na kapaligiran. Kung kaya’t tuwing gabi, tuwing hapon at tuwing madaling araw ay mas malakas ang birus.

Ano ang dahilan ng pawala walang lagnat?

Bakit nga ba pawala wala ang lagnat? Kailangan bang mag-panic ang magulang sa ganitong sitwasyon? Kailangan bang isugod agad sa doktor? O hindi kaya may kakulangan din ang mga magulang.

Mga tanong na kayo rin mismo ang makakasagot. Tuwing may lagnat ang bata huwag na huwag ninyong kakalimutan na kung may iniinom itong gamot ay painomin sa tamang dosis at oras. Painomin ang bata ng ayon sa dosis ng kanyang edad 1 beses kada apat na oras. Huwag na huwag itong papalampasin dahil isa ito sa mga dahilan kung bakit pabalik balik at pawala wala ang ang lagnat ng isang bata.

Ano ang gamot sa lagnat tuwing gabi o tuwing hapon at madaling araw?

Ano-ano ba ang mga pwede nating gawin upang maiwasan natin ang lagnat sa gabi, tuwing hapon, tuwing madaling araw at pawala wala lagnat ng bata. Ang mga sumusonod ay makatutulong upang maiwasan natin ang mga ganitong karamdaman.

  • Painomin ang bata ng maraming tubig, sa pamamagitan ng pag ihi ay mailalabas sa kanyang katawan ang mga dumi na posibleng nagiging sanhi nito.
  • Kung may iniinom itong gamot ay painomin ito sa tamong dosis at oras. Ang pag paliban ng pag inom ng gamot ay nagiging sanhi ng pawala walang lagnat at maaaring mauwi sa mahabang gamotan.
  • Kung may sipon at ubo ang bata. Kinakailangan na may gamot rin siya para dito. Ang pinakuloang tinadtad na dahon ng lagundi ay mabisang gamot para sa ubo at sipon.

Tandaan: Kapag nagagawa niyo naman ng mabuti ang mga nabanggit sa itaas ngunit patuloy pa rin ang problema at kung minsan pa ay gumagrabe ang kondisyon, ay kinakailangan na nating komunsulta sa doktor. Kailangan makapag pa check-up at masuri ang bata ng isang eksperto dahil ang ganitong kondisyon ay pwedeng sanhi rin ng isang malalang impeksyon na kailangan mabigyan agad ng kaukolang lunas.

KATULAD NA MGA ARTIKULO