Lagnat at Pagtatae: Ano ang Gagawin sa Lagnat na May Kasamang Pagtatae?

Ang lagnat ay isang karaniwan na lamang para sa mga tao. Lagnat na kung minsan nga ay hindi na kinakailangan ng gamotan dahil kusa rin lang naman itong nawawala, lalo na sa mga matatanda. Ngunit iba na kapag may kasama itong pagsusuka at ang masaklap pa ay may kasamang pagtatae o diarrhea. Ang ganitong uri ng kondisyon ay nangangailangan talaga ng opinyon ng isang doktor at malapatan ng pangunang lunas. Ngunit ano-ano nga ba ang sanhi nito? saan ba ito nanggaling? Narito ang ilan sa mga mahahalagang dapat mong malaman sa lagnat at pagtatae.

Lagnat at pagtatae, ano ang sanhi?

Ano ang pagtatae o diarrhea? Ang diarrhea o pagtatae ay isang laganap na kondisyon kung saan ang dumi ay basa at hindi buo. Ito ay nagdudulot ng mga sintomas tulad ng madalas na pagdumi (tatlong beses o mahigit), pananakit ng tiyan, panghihina, at dehydration.

Ang diarrhea ay maaaring maging sanhi ng kamatayan sa mga bagong silang na sanggol at maliliit na bata dahil sa dehydration. Ito ay laganap sa mga lugar na may maduming pinagkukunan ng tubig at pagkain. Sa halos lahat ng kaso nag kakaroon ng lagnat ang isang pasyente dahil sa mayroon siyang diarrhea, ganoon rin ang pagsusuka sanhi ng pagkasira ng tiyan dahil sa virus. Ngunit paano kung paano kung nakakaranas kana nito? ano ang mga dapat gawin at pano ito malulunasan? Narito ang mga sumusunod.

Lagnat at pagtatae, paano malulunasan?

Karamihan sa mga kaso ng lagnat at pagtatae ay hindi naman malubha at tumatagal lang ng isa hanggang dalawang araw. Ang pag konsulta sa doktor ay depende lamang sa lala ng kondisyon ng pasyente. Ang pag inom ng maraming malinis na tubig ay nakatutulong upang maiwasan ang dehydration. Mabisa rin ang paginom ng oral rehydration solution o Oresol upang maiwasan ang mga malalang komplikasyong dulot nito. Ngunit, pakatandaan na kapag ang pagtatae ay may kasamang mataas na lagnat at pagdudugo ay kinakailangan na matingnan at masuri ito ng doktor.

Lagnat at pagsusuka

Ang lagnat at pagsusuka ay sanhi ng diarrhea na dulot ng virus sa loob ng ating tiyan. Ito ay nag dudulot ng panghihina, kawalan ng gana sa pagkain, at ang masaklap pa ay maaring mauwi sa dehydration na pwedeng ikamatay kung bata o sanggol pa lamang ang isang pasyente. Pero may paraan ba upang makaiwas tayo dito? Ano ba ang mga mahahalagang dapat gawin upang makaiwas sa lagnat at pagsusuka na sanhi ng diarrhea?

Lagnat at pagsusuka na may kasamang pagtatae, paano maiiwasan?

Narinig niyo na ba ang salitang “ang kailinisan ay susi sa kinabukasan”? madalas ko itong marinig kahit noong bata pa ako. Pero bakit kaya wala akong makita?. Ang maruming kapaligiran ay isa lamang sa mga rason kung bakit tayo nakakakuha ng mga ganitong klaseng sakit kagaya ng diarrhea na kung saan ay nag dudulot ng lagnat at pagtatae na may kasama pang pagsusuka. Hindi natin maipagkakaila na ang Pilipinas ay isa sa may pinaka maruming kapaligiran. Ang paginom ng maruming tubig at kontaminadong pagkain ay iilan lamang sa mga sanhi ng ganitong karamdaman. Pero paano nga ba natin ito maiiwasan?

  • Ugaliin ang pag huhugas ng kamay bago kumain lalong lalo na sa mga bata dahil sa iba’t -ibang bagay na kanilang nahahawakan. Gumamit ng sabon at kuskusin ang kamay sa loob ng 20 segundo.
  • Iwasan rin ang pagkain at pag-inom ng kahit anong bagay na hindi mo alam ang pinanggalingan. Mas makabubuti siguro kung uminom lamang ng purified water imbes na uminom sa gripo lalo’t kung nasa ibang lugar ka at hindi ka sigurado kung malinis ang tubig.
  • Ugaliing tingnan ang expiration date ng mga pagkain na inyong binibili lalo’t kung mga delata ito at mga process foods.
  • Iwasan rin ang pagkain ng mga street foods kagaya ng dugo at isaw na lubhang mapanganib at maaaring magdulot ng hindi pankaraniwang sakit sa ating katawan.

Mas mabuti na ang sigurado kaysa naman ilagay mo sa panganib ang kalusugan mo.

KATULAD NA MGA ARTIKULO