Totoo ba ang Lagnat Laki?

Napakaraming uri ng lagnat na sanhi ng impeksyon, Pero naniniwala ka ba sa tinatawag na lagnat laki? Isa itong matandang kasabihan na palagi kong naririning sa mga matatanda. Ang lagnat laki ay sanhi ng mabilis na pag laki ng isang bata. Kung mayroon kang sanggol, bata o kahit teenager sa loob ng bahay ay maaring narining mo na rin ang kasabihang ito. Pero kahit balibaliktarin mo man ang mundo, ang lagnat ay lagnat pa rin. Lagnat laki man ito kung tawagin ng iba, wala itong pagkakaiba sa ibang lagnat na kailangan gamotin upang maagapan.

Lagnat laki, totoo ba ito?

Kung pagbabasehan natin ang siyensya at ang medisina, walang matibay na proweba na makapagpapatotoo sa kasabihang ito ng mga matatanda. Sa huli, ang lagnat ay lagnat pa rin na kailangan gamotin.

Ang sintomas ng lagnat laki na sinasabi ng mga matatanda ay walang pagkakaiba sa mga sintomas ng tipikal na lagnat. Kaya lang importante para sa atin na malaman ang mga sintomas nito dahil ang pagkakaroon ng lagnat ng isang tao ay indikasyon na mayroon siyang karamdaman. Maaari simpleng impeksyon lamang, ngunit maaari ring isang malubhang sakit kagaya ng dengue fever na sanhi ng dengue birus. Ano-ano ba ang sintomas ng lagnat o lagnat laki?

Ano ang sintomas ng lagnat laki?

Importante para sa atin na malaman natin ang mga sintomas ng lagnat sa umpisa pa lamang upang maagapan.

  • Pananakit ng ulo. Isa sa pangunahing sintomas ng lagnat ang pananakit ng ulo. Sanhi ito ng init ng katawan ng pasyente na dulot ng lagnat.
  • Pagsusuka. Ang pagsusuka ay isa rin sa mga sintomas ng lagnat, ngunit marami rin namang mga kaso ng lagnat na hindi dumaranas nito.
  • Kawalan ng gana sa pagkain. Ang kawalan ng gana sa pagkain ng taong may lagnat ay natural lamang sa isang pasyente. Dahil ito sa pananakit ng ulo at buong katawan kung kaya’t walang ganang kumain ang taong may lagnat.
  • Antok/sleepiness. Ang ganitong pakiramdam ng taong may lagnat ay natural lamang. Dahil nga panankit ng buong katawan niya kasama pa ang ulo, ay mas pipiliin niya ang mahiga at matulog kaysa sa kumain.

Ano ang gamot sa lagnat laki?

Mayroong dalawang klaseng pagamot sa lagnat, maaari niyo itong subukan depende sa reaksyon ng pasyente. Narito ang dalawang pamamaraan ng pag gamot sa lagnat o lagnat laki.

Water treatment/pagamot gamit ang tubig

  • Uminom ng tubig o anumang katas ng prutas bawat oras sa panahong gising
  • Pagkalooban ang pasyente ng punas-na-paligo kung ang lagnat ay mataas at ang mga braso at ang mga paa ay malamig, pagkalooban ang pasyente ng mainit na punas-na-paligo at malamig naman kung ang balat ay tuyo at mainit.
  • Mainit na paligo sa paa. Kung ang lagnat ay bunga ng trangkaso, pagkalooban ang pasyente ng mainit na paligo sa paa sa umaga at sa gabi, pagkatapos ng haponan.
  • Panatilihing nakahiga ang may karamdaman at may patuloy na malamig na pomento sa noo.

Pagamot gamit ang herbal (punas)

Balimbing – Pakuloan ng 10 minuto ang 2 tasa ng tinadtad na dahon sa isa’t kalahiting galon ng tubig. Salain at palamigin sa loob ng dalawang oras. Gamitin ito para sa malamig na pomento kung walang yelo.

Suka – Lagyan ng dalawang kutsara ng suka ang isang palanggana ng malamig na tubig. Gamitin itong pang pomento sa noo kung walang yelo.

Kamyas – Pakuluan ng 15 minuto ang 3 tasa ng tinadtad na sariwang dahon sa isang galong lubig. Salain. Gamitin ang tubig para sa malamig o mainit na punas na paligo.

Pagamot gamit ang herbal (inom)

Tagulinaw – Pakuloan ng 10 minuto ang isang tasa ng tinadtad na sariwang dahon at buong halaman sa 2 basong tubig. Dosis: Isang tasa bawat apat na oras sa matanda, kalahating tasa bawat apat na oras para sa (7-12 taon), (2-6 taon) ¼ tasa bawat 4 na oras at Sanggol: 1 kutsara bawat 4 na oras.

Lagundi – Mabisa rin ito sa ubo at sa sipon. Pakuluan ng 15 minuto ang 4 na kutsarang tinadtad na tuyong dahon o 6 na kutsarang tinadtad na sariwang dahon sa 2 basong tubig. Dosis: Matanda: 1 tasa, bawat 4 na oras. Bata: (7-12 taon) ½ tasa bawat 4 na oras. Sanggol:1 kutsara bawat 4 na oras.
Mga dapat tandaan tungkol sa lagnat laki
Katulad nga ng sabi ng siyensya walang matibay na proweba na makakapag patibay sa kasabihang lagnat laki. Gayunpaman, simpleng lagnat man yan o anong klaseng lagnat man kung ituring, Kailangan pa rin tayong magingat sa pagtrato nito.

Tandaan: Kapag ang lagnat ay tumagal na ng 3 hanggang limang araw o kaya’y grabe na ang init ng temperatura ng katawan ng pasyente, ay kinakailangan ng komunsulta sa doktor upang masuri at malaman ang tunay na kondisyon ng pasyente upang mabigyan agad ng kaukolang lunas.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Totoo ba ang Lagnat Laki?
2 (40%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO