Lagnat sa Buntis: Mga Sanhi at Gamot

Ang pagbubuntis ang pinakamaligayang karanasan ng isang ina, at ang pinakamagandang bonding ng mag-ina—ang maranasan ang bawat pagbabagong pisikal na nagaganap sa kanilang dalawa. Sa unang beses ng pagdadalantao, sadyang kamangha-mangha ang pangyayari at pagbabago sa sarili, bagamat hindi ito lubusang napapansin ng lahat ng nakapaligid sa iyo.

Pero ang pagbubuntis ay maaaring pagmulan ng kalungkutan at pagkabahala lalo na kung ang ina ay nakararanas ng lagnat. Pag uusapan natin sa artikulong ito ang mga impormasyon ukol sa lagnat sa buntis, anu-ano ang mga sanhi ng lagnat sa buntis at kung ano ang iyong maaaring gawin kapag ang isang buntis ay nakakaranas ng lagnat.

Ano ang Lagnat sa buntis?

Ang lagnat sa buntis ay ang pagkakaroon ng karaniwang na mga sintomas – mataas na temperatura, pagpapawis, panginginig, sakit ng ulo pananakit ng kalamnan, dehydration at pagkapagod habang nagdadalang tao ang isa.

Ang pagkakaron ng lagnat habang nag bubuntis ay hindi normal. Isa itong palatandaan na may hindi tama sa katawan mo, at maaring may mas malalang kondisyon na posibleng maka apekto sa iyong sanggol.

Para sa nakararami, ang lagnat ay isang uri ng sakit. Pero ayon sa mga dalubhasa, ang lagnat ay sintomas lamang ng sakit na dumapo sa katawan. Ang hypothalamus ay isang parte ng utak na may direct control sa temperatura ng ating katawan. Kung may impeksyon, sakit o iba pang sanhi, nagiging aktibo ang ating hypothalamus at sadyang pinatataas nito ang temperature ng ating katawan para magbigay ng signal na mayroong mali.

Paano makakaapekto ang lagnat sa buntis sa baby?

Kung ang temperatura ng iyong katawan ay tumaas ng 38 C o mas mataas pa at nagpatuloy sa loob ng ilang araw, kadalasan ng tumataas ang risk ng pagkakaroon ng mga problema sa central nervous system ng fetus lalo na sa unang anim na linggo ng pagbubuntis. Kaya kung nakararanas ka ng lagnat habang nag bubuntis, makabubuting magpatingin sa iyong doktor upang maiwasan ang maaaring maging komplikasyon sa iyo nito at sa iyong sanggol.

Ano ang dahilan ng lagnat sa buntis?

Kapag ang isang babae ay buntis, nagtatrabaho ng doble ang kanyang immune system para sa kanya at sa kanyang sanggol kaya mas malaki ang tiyansang mag karoon sya ng lagnat habang nag bubuntis. Bagaman isang proseso ng katawan ang pagkakaroon ng lagnat, kailangang iwasan ng isang ina ang mga dahilan ng pagkakaroon ng lagnat sa buntis. Siya ay maaaring magkaroon ng lagnat dahil sa pagkakaroon ng impeksyon. Kung nakakaranas ng mga sintomas ng lagnat habang ikaw ay nagdadalang tao, magtungo ka agad sa doktor o sa health center.

Ano ang gagawin kung ikaw ay may lagnat sa buntis?

Narito ang ilan sa mga mungkahi kung ang isang buntis ay may lagnat:

  • Uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration dulot ng lagnat.
  • Siguraduhin na preskyo ang suot para kumportable at hindi madalas pagpawisan.
  • Ang pagpahinga sa kama ay nakakatulong sa paggaling ng katawan dahil pinipigilan nito ang pag-aalis ng tubig at kapaguran.
  • Kung ang iyong lagnat ay magpatuloy, mas makabubuting mag pa tingin sa iyong Obstetrician. Kailangan ito s Prenatal care.
  • Huwag mag self-medicate.
  • Hayaang ang doktor mo ang mag bigay ng gamot na kailangan mo.

KATULAD NA MGA ARTIKULO