Ano ba ang Lagnat sa Loob ng Katawan?

Ang lagnat o sinat ay ang pagtaas ng temperatura ng katawan hanggang sa punto, kalagayan, o hangganang mas mataas kaysa pangkaraniwan o normal na 99.5 degree o gradong Farenheit. Isa itong tanda ng pagkakaroon ng sakit o karamdaman. Sa karamahian ng mga kaso ng pagkakaroon ng sinat, o lagnat sa loob ng katawan, ay nangangahulugang may impeksyon sa loob ng katawan. Kaugnay ng sinat o saynat, mas karaniwang tumutokoy ito sa bahagyang lagnat, malimit saynatin (madalas sinatin) at lagnatin ng bahagya (magkalagnat ng bahagya). Ang lagnat ay isa sa pinakakaraniwang simbulo ng medikal. Ito ay napupuntahan ng doktor na 30% sa mga bata, at 70% sa mga matatanda.

Sintomas ng lagnat sa loob ng katawan

Kadalasan sa atin ay isinasawalang bahala ang pagkakaroon ng lagnat, Kasi nga kahit hindi tayo uminom ng gamot ay may mga kaso na natatanggal rin ang lagnat lalo na sa matatanda. Ito ang mga sumusonod na sintomas na kadalasan na nararamdaman natin sa tuwing tayo ay may lagnat.

Kawalan ng gana sa pagkain. Kapag may lagnat ang isang tao kadalasan ay nawawalan ito ng gana sa pagkain na nagiging resulta sa paghina ng ating katawan na kapag napabayaan ay maaaring mauwi sa iba pang karamdaman.

Nilalamig kahit hindi naman malamig ang panahon. Nakakita ka na ba ng taong naka jacket at nakabalot sa kumot sa tanghaling tapat? Ito lamang ay isa sa mga sintomas ng lagnat na kung minsan kapag grabe na ay manginginig ka pa.

Kawalan ng konsentrasyon. Sino nga ba naman ang makakapag concentrate kung walang laman ang iyong tiyan, masakit ang ulo na bunga ng lagnat. Isa ito sa mga nagiging pngunahing rason kung bakit ang taong may lagnat ay hindi makapasok sa kanyang trabaho.

Sleepiness/antok. Ito ay isa pa sa mga sintomas ng taong may lagnat resulta lamang ito ng panghihina ng katawan dahil sa lagnat. Kaya minsan kapag may lagnat ang isang tao mas gusto nilang matulog kaysa kumain.

Dehydration o pagkawala ng tubig sa ating katawan. Ito ang masaklap na maaaring mangyari sa taong may lagnat sa loob na kung saan ay maaring ikamatay kapag napabayaan dahil sa pagkaubos ng isang pinaka-importanteng mineral sa loob ng ating katawan, ang tubig. Madalas niyo rin bang marinig sa matatanda ang payong “painomin ng gatorade” ang taong may lagnat para raw hindi ma dehydrate? nasubokan niyo na ba ito?. Kasi nga kapag walang gana sa pagkain dahil sa lagnat malamang eh wala ring gana sa pag inom ng tubig kaya nauuwi sa dehydration.

Iilan lamang yan sa marami pang sintomas ng lagnat na madalas nating maranasan na huwag sana nating isawalang bahala dahil maaari itong mauwi sa iba pang kaso ng karamdaman.

Lagnat sa loob ng katawan ng bata

Nabanggit ko sa unahan ng artikulong ito ang kadalasan nating pagsawalang bahala ng simpleng lagnat sa loob ng katawan dahil nga sa may mga kasong naaalis rin ito sa maiksing panahon, lalo na sa gaya nating matatanda na kung saan ay malakas na ang immune system at kaya ng labanan ang lagnat. Pero iba kapag bata ang nasa sitwasyong ganito o mas grabe pa kapag sanggol. Alam niyo bang ang mga batang limang taon pababa ay hindi kayang labanan ang grabeng lagnat? Iyan ay ayon sa mga eksperto. Ang grabeng pagtaas ng temperatura ng katawan ng isang bata ay maaring mauwi sa convulsions/kombolsyun na maaring mauwi sa permanenteng pagkasira ng utak ng isang bata o ang mas masaklap pa ay maaari pang ikamatay nito. Mamaya lang mababasa niyo ang iba’t-ibang uri ng pagagamot sa taong may lagnat.

Mga pwedeng kainin ng may lagnat sa loob ng katawan

Kagaya nga ng nabanggit ko, ang taong may lagnat ay kadalasan na walang gana sa pagkain pero hindi rin it rason para hindi natin subukan. Kailangan natin ang pagkain sa araw-araw lalong lalo na sa panahong tayo may sakit kagaya ng lagnat. Pagkain ang nag bibigay sa atin ng lakas upang malabanan ang mga ganitong klasend karamdaman. Narito ang mga iilan lamang sa mga pagkain na magandang ipakain sa taong may lagnat.

Ang mainit na sabaw o chicken soup ay mabisang ipakain sa taong may lagnat hindi ito mabigat sa tiyan kaya’t hindi problema kung walang ganang kumain ang pasyente. Mahusay rin itong pang laban sa dehydration dahil sa halos katumbas lang rin ito ng tubig kung tutuusin. Ang ginger o luya, bawang, mainit na tsaa, honey, at sabaw ng buko ay kabilang sa mga pagkain na mabisang ipakain sa pasyentend may lagnat.

Mga dapat bantayan kapag may lagnat sa loob ng katawan

Kung tutuusin ayon sa mga eksperto hindi naman talaga delikado ang lagnat dahil ang katawan natin ay naka desenyo upang malabanan ang ganitong klaseng karamdaman. Mayroon tayong immune system na lumalaban dito. Pero ano nga ba ang mga posibleng bantayan o ikabahala kapag may lagnat.

Ayon sa mga doktor kapag ang temperatura ay 103 F (39.4C) o mas mataas pa ay kailangan ng mag patingin sa eksperto. Kapag ang lagnat ay umabot na ng mahigit pitong araw ay hindi na rin maganda at kinakailangan ng komunsulta sa doktor. Ganoon rin kapag ang mga nabanggit kong sintomas sa unang bahagi ay lumalala ay huwag nating isawalang bahala, kinakailangan nating pumunta sa ospital.

Mga paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng lagnat

May mga kasabihan ang mga eksperto sa ingles at marahil hindi na ito iba sa inyo. “Prevention is better than cure”. Tama nga naman, bakit pa ba tayo hahantong sa mahabang gamotan kung pwede man lang nating maiwasan ang mga ganitong klaseng karamdaman. Pero siyempre dahil sa pabago-bagong klema ng panahon at sa tumitinding polusyon dulot ng mga chemical at teknolohiya sa ating mundo ay may mga pagkakataong tatamaan tayo ng lagnat kahit gaano ka pa kalusog at malakas. Pero mas maganda naman siyempre kung hindi palagian yung tipong sa loob ng isang buwan ay palagi na lamang nahahawa o dinadapoan ng lagnat. Narito ang ilan sa mga paraan upang maiwasan o malimitahan ang pagkakaroon ng lagnat.

Rest/pahinga. Oo, minsan kailangan talaga natin ng pahinga dahil sa sobrang pagka busy sa trabaho at sa pamilya. Pag mayroong sapat na pahing ang ating katawan ay mahirap itong pasukin ng sakit kabilang na diyan ang lagnat.

Paginom ng maraming tubig. Ang tubig ang isa sa pinaka mahalagang bahagi ng sistema ng ating katawan, kaya’t kung kulang tayo nito ay malamang magiging paborito tayo ng lagnat at iba pang karamdaman. Uminom ng walo hanggang sampong baso ng tubig araw-araw.

Uminom ng mga rekomendadong bitamina. Kailangan natin ng bitamina sa ating katawan pero siyempre kailangan natin komunsulta sa mga doktor kung ano ang naaangkop na bitamina para sa atin. Kapag mayaman sa bitamina ang ating katawan ay maiiwasan o malilimitahan natin ang pagkakaroon ng lagnat.

Ang katawan natin ay hindi dinesenyo upang bugbogin sa trabaho. Kinakailangan natin ng sapat na pahinga upang malabanan natin ang ganitong karaniwang sakit. Tandaan lang din natin na ang simpleng karaniwang sakit ay maaari ring mauwi sa malubhang karamdaman. Kaya’t mas mainam kung mag saliksik tayo kung ano ang mga gamot rito.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Ano ba ang Lagnat sa Loob ng Katawan?
5 (100%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO