Ano ang Gamot sa Lagnat, Ubo, at Sipon sa Bata

Ang lagnat, ubo, at sipon ay iilan sa mga karaniwang sakit ng mga bata. Mapapansin ninyo na kadalasan sa mga dinadapuan ng ubo at sipon ay mga bata. Ito ay sa dahilang mahina pa ang kanilang resistensya para labanan ang ganitong virus. Pero ano nga ba ang ubo at sipon? Saan ba sila nanggaling at anu-ano ang mga pwedeng gamot laban dito.

Una sa lahat, ano nga ba ang ubo at sipon? Ayon sa mga eksperto, ang ubo ay hindi sakit kundi sintomas ng isang sakit. Karaniwan ay makararamdam muna ang bata ng sipon, at kapag tumulo ito sa likod ng lalamunan ay makikiliti ito at saka magiging ubo. Ito na ngayon ang tinatawag na ubong matigas o dry cough. Sa kabilang banda, kung ang ubo naman ay nagmula sa asthma o impeksyon, ito nama’y tinatatawag na ubong may halak o wet cough.

Mga gamot sa lagnat, ubo, sipon

Mayroong dalawang klase ng paggamot sa lagnat ubo at sipon. Isang natural na pamamaraan at ang isa naman ay rekomendado ng mga doktor.

Mga natural na pamamaraan ng paggamot nito ay ang mga sumusonod:

Honey: Bukod sa tubig ay kilala rin ang honey o pulot sa pagpapagaling ng ubo’t sipon. Maaaring painumin ang bata ng isang kutsara ng honey bago matulog upang maibsan ang ubo nito.

Paalala: Bawal ito sa mga sanggol na wala pang isang taon.

Luya: Ang luya isang epektibong gamot para sa ubo’t sipon. Maaari lamang na maglaga ng isang pirasong kasing laki ng hinlalaki sa dalawang tasang tubig. Matapos itong kumulo ay isalin sa isang baso at saka pigaan ng kalamansi at kalahating kutsaritang honey. Pagkatapos ay ipainom ito sa bata at siguradong mapapadali ang paglabas ng plema nito sa loob ng apat na oras.

Tubig: Ang tubig ay isa mga napatunayan at karaniwan pang ginagamit na gamot upang malunasan ang ubo’t sipon ng mga bata. Sa pamamagitan ng water therapy o pagpapainom ng sapat na tubig sa isang araw ay nakatutulong upang mapalambot ang sipon at plema at mailabas nang tuluyan. Bukod sa tubig ay maaari ring painumin ang bata ng juice o gatas upang maibsan ang panlalata nito dulot ng ubo’t sipon.

Humidifier: Ang paggamit ng humidifier o iyong pagpapasingaw ay nakatutulong upang maging maluwag ang paghinga ng bata. Nakatutulong rin ito upang maging mamasa-masa ang hanging pumapasok sa baga nito, na syang magpapadali sa pagpapalambot ng plema na nanunuluyan rito.

Ito naman ang mga karaniwang irenereseta ng mga doktor sa batang may lagnat ubo at sipon:

Antitussive: Ito ay ang gamot na siyang pumipigil sa ubo.

Mucolytic: Ito naman ang gamot na siyang nagpapalambot sa plema upang madaling ilabas. Karaniwan ay inirereseta ito sa dry cough.

Expectorant: Ito naman ay karaniwang inirereseta sa wet cough sapagkat ito ay gamot na para sa may halak.

Lagnat na may kasamang ubo at sipon, bakit kaya ito magkakasama?

Nakakapagod pakinggan ang paulit-ulit na pagubo ng bata lalo’t may kasama itong lagnt at sipon. Mga panahon na ang mga magulang ay hindi mapakali sa paghanap ng lunas para sa kanilang mga anak. Pero alam niyo ba kung bakit ang lagnat na may kasamang ubo at sipon ay karaniwang sabay sabay kung umatake?

Ang pagkakaroon ng ubo ay sanhi lamang ng sipon na dulot ng birus. Ang pag ubo ng isang tao ay indikasyon lamang na may iniinda itong karamdaman. Ang pag ubo ay nangyayari kapag may kailangang ilabas na dumi na galing sa ating lalamunan, wala itong pagkakaiba sa pag baheng ng isang tao. Ang lagnat naman ay sanhi lamang ng impeksyon na dulot ng sipon o birus. Pero may paraan ba para makaiwas tayo sa ganitong birus? ano-ano kaya ang mga pwede nating gawin upang makaiwas tayo sa ganito?

Lagnat, ubo, sipon sa bata, paano maiiwasan?

Tuwing tagulan, nauuso ang mga ganitong klaseng sakit. Gayunpaman, hindi sa lahat ng uso ay maaari tayong makiuso, lalo na kung kalusogan ng mga bata ang nakasalalay. Ito ang mga sumusonod na kailangan gawin upang makaiwas sa lagnat, ubo, sipon sa bata.

  • Ugaliing uminom ng Vitamin C. Ang paginom ng Vitamin C ay nakatutulong sa pag palakas ng resestensya o immune system ng isang bata upang malabanan ang mga ganitong klaseng sakit. Maaari ring makuha ang ganitong bitamina sa mga prutas.
  • Panatilihing tuyo at mainit ang katawan sa panahon ng taglamig. Alam niyo ba na ang wet and cold environment ang paborito ng birus? Ito ang dahilan kung bakit nauuso ang lagnat ubo at sipon sa panahon ng taglamig.
  • Panatilihing malusog ang katawan. Kapag malusog ang isang bata malakas rin ang kanyang resestensya o immune system. Kung kaya’t mahihirapan ang birus na makapasok sa katawan ng bata. Pakainin ang bata ng mga masusustansyang pagkain kabilang na ang mga gulay at prutas.

Lagnat ubo at sipon, ano ang mga dapat bantayan?

Kagaya ng nabanggit ng artikulong ito, ang lagnat na may kasamang ubo at sipon ay karaniwan lamang sa mga bata. Ngunit paano kung paano kung tumagal na ng 7-10 araw ang ubo at sipon pero may gamot naman ito. Kung dumami na at bumerede na ang kulay ng sipon ay kinakailangan na ng payo ng mga doktor ayon sa mga eksperto. Huwag ninyo itong isawalang bahala lalo’t sa bandang huli ay ang mga anak niyo rin ang mahihirapan.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Ano ang Gamot sa Lagnat, Ubo, at Sipon sa Bata
4 (80%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO