Gamot sa Lagnat: Paggamot sa Sintomas at Mismong mga Sanhi ng Lagnat

Ano ba ang sanhi ng lagnat? saan ba ito nanggaling? Ilan lang yan sa mga katanungan na paulit-ulit natin ititatanong sa tuwing tayo ay dinadapoan ng lagnat. Pero kung pag babasehan ang siyensya ay mayroon silang pag-aaral na kung saan ay tumutokoy sa kung saan nga ba galing nanggaling o ano ang sanhi nito. Pag usapan natin kung ano ang sanhi at gamot sa lagnat.

Ano ng sanhi ng lagnat

Ang reaksyon ng katawan natin sa mga impeksyon na dala ng kalikasan, aksidente, polusyon, at mga kemikal ay iilan lamang sa mga posibleng dahilan kung bakit tayo nagkakaroon ng lagnat, at dahil sa nakakahawa ito, maaari ka ring dapuan lalong lalo na kapag mahina ang ating resistensya o ang ating immune system. Narito ang ilan sa mga sanhi ng lagnat ayon lamang sa mga eksperto:

Sipon at ubo

Mapapansin ninyo na kapag sinipon kayo ay kasunod nito ang ubo at di malayo ay susunod rin ang lagnat. Dahil lamang iyan sa impeksyon na dulot ng sipon o plema sa loob ng ating katawan.

Impeksyon sa sugat

Huwag nating isawalang bahala ang simpleng sugat dahil sa isa rin ito sa mga sanhi ng pag kakaroon ng lagnat. Kapag napabayaan natin ang ating sugat kahit maliit man ito lalo na kung marumi at hindi nalilinisan ay siguradong dadapoan ito ng bakterya na magiging sanhi ng impeksyon. Alam ninyo na marahil ang kasunod ng impeksyon.

Napakarami pang ibang sanhi ng pag kakaroon ng lagnat, kabilang pa rito ang impeksyon sa tainga (ear), skin, lung, throat at ang matindi pa ay ang impeksyon sa kidney na kung saan mag dudulot ng panganib sa ating buhay.

Sobrang alak at pagamit ng droga ay sanhi ng lagnat

May ilan akong nakausap na talaga naman kompirmado na naggagamit sila ng ipinagbabawal na droga. At alam ninyo ba ang sagot nila sa tanong ko kung ano ang pakiramdam nila sa tuwing nakagamit sila nito? Pakiramdam raw nila ay sila ang pinakamalakas na tao sa buong mundo na tila ba kahit anong sakit ay hindi sila tatablan. Pero ayon sa pag-aaral, ang nararamdaman nilang iyon ay bunga lamang ng wala sa sarili dahil nga sa epekto ng droga. At dagdag pa roon ay mas grabe pa pala ang init na temperatura ng kanilang katawan na ayon sa mga doktor ay consider na daw as fever. Mangyari lamang na hindi nila nararamdaman na may lagnat sila ay dahil sa wala sila sa matinong pag iisip.

Isa pang sanhi ay ang labis na paginom ng alak. Napapansin niyo ba sa tuwing umiinom kayo ay umiinit ang iyong tainga, kasunod nito ang buong katawan lalo kapag labis na ang nainom na alak. Ayon sa mga eksperto ang epekto raw nito ay kadalasan mararamdaman nila pagkatapos o kaya ay pagkagising sa umaga. Na ang tawag ay alcohol withrawal. Ngunit ano ang opinyon ng mga manginginom sa tuwing makakaranas sila ng alcohol withrawal? Iinom lang daw ulit at mawawala na. Nakaklungkot isipin na ang pinaka sanhi talaga ng pagkakaroon ng lagnat ay tayo rin mismo.

Kapabayaan sa sarili sanhi ng lagnat

Ang kapabayaan sa sarili ay isa rin palang sanhi ng lagnat. Naranasan niyo na bang hindi maligo sa loob ng tatlong araw? nakakatuwang isipin diba sa loob ng tatlong araw pwede pa siguro kung taglamig ang panahon. Pero subukan niyo at tinitiyak ko sainyo na iinit ang temperatura ng katawan niyo at hindi malayo ay lagnatin rin kayo. Isa pang kapabayaan sa sarili ay ang diyeta o uri ng ating mga kinakain. Ang katawan natin ay siyang nag rereact sa kung ano man ang ipinapasok natin dito, nabanggit ko sa unahan ang labis na pag inom ng alak. Pero bukod diyan ay marami pang mga pagkain ang nagiging sanhi ng paghina ng ating immune system na siyang nagiging dahilan ng pagiging suki natin sa lagnat.

Maruming kapaligiran sanhi ng lagnat

Isa rin pala ang maruming kapaligiran sa mga nagiging sanhi ng lagnat. Bakit? simple lang, kung nasaan ang dumi nandoon rin ang bacterya. Kung saan ay pwedeng ma kontamina ang ating mga iniinom at kinakain. At kapag nakapasok ito sa ating katawan alam niyo na ang posibleng mangyari. Linisin natin ang paligid natin at kung mapupuwede ay ganon rin naman sana ang gawin ng ating mga kalapit-bahay. Ang isa sa pinaka delikado lagnat na puwedeng dumapo sa atin kapag marumi ang ating kapaligiran ay ang dengue fever. Marahil alam niyo na ito at hindi na bago sa pandinig ninyo. Pero ano nga ba ang dengue fever? Ito ay galing sa kagat ng lamok na galing sa maruming kapaligiran. Ang kagat nito ay maaaring may dalang dengue virus o dengue fever. Isang uri ng lagnat na hindi pangkaraniwan at hindi dapat isawalang bahala dahil maaaring mauwi sa mahabang gamotan o kaya ay pagkamatay ng pasyente. Isa ang dengue fever sa may pinaka maraming kaso ng dahilan ng pagkamatay ng mga Pilipino karamihan ay mga bata.

Kaya’t huwag nating hayaang madumi ang ating kapaligiran. Dahil sa isa lang ang lagnat sa mga maaaring dumapong sakit sa ating katawan, lagnat na makaka apekto sa pang araw-araw nating gawain at hanap-buhay. Lagnat na kung mapapabayaan ay maaring mauwi sa mas malubhang karamdaman. Gawin natin ang mga sumusonod na nabanggit ko sa artikulong ito at tinitiyak ko sa inyo na hindi lang lagnat kundi mas marami pang sakit ang matatakot na dumapo sa atin.

Ano ang mabisang gamot sa lagnat?

Sa panahon ngayon ay napakahusay na ng medisina sa buong mundo at hindi na rin diyan nahuhuli ang Pilipinas. Kaya ang simpleng lagnat ay katumbas lang ng isang tableta ay nawawala na agad. Mahusay nga naman talaga, pero naisip niyo ba ang maaaring side efect ng sobrang pag depende sa mga ganitong klaseng gamot? Basahin niyo ang mga sumusonod. Narito ang dalawang klase ng pagagamot na siguradong mabisa at wala pang side effects.

Water treatment: Gamot sa lagnat gamit ang tubig

  1. Uminom ng tubig o anumang katas ng prutas bawat oras sa panahong gising
  2. Pagkalooban ang pasyente ng punas-na-paligo kung ang lagnat ay mataas at ang mga braso at ang mga paa ay malamig, pagkalooban ang pasyente ng mainit na punas-na-paligo at malamig naman kung ang balat ay tuyo at mainit.
  3. Mainit na paligo sa paa. Kung ang lagnat ay bunga ng trangkaso, pagkalooban ang pasyente ng mainit na paligo sa paa sa umaga at sa gabi, pagkatapos ng haponan.
  4. Panatilihing nakahiga ang may karamdaman at may patuloy na malamig na pomento sa noo.

Gamot sa lagnat gamit ang herbal (punas)

Balimbing – Pakuloan ng 10 minuto ang 2 tasa ng tinadtad na dahon sa isa’t kalahiting galon ng tubig. Salain at palamigin sa loob ng dalawang oras. Gamitin ito para sa malamig na pomento kung walang yelo.

Suka – Lagyan ng dalawang kutsara ng suka ang isang palanggana ng malamig na tubig. Gamitin itong pang pomento sa noo kung walang yelo.

Kamyas – Pakuluan ng 15 minuto ang 3 tasa ng tinadtad na sariwang dahon sa isang galong lubig. Salain. Gamitin ang tubig para sa malamig o mainit na punas na paligo.

Gamot sa lagnat gamit ang herbal (inom)

Tagulinaw – Pakuloan ng 10 minuto ang isang tasa ng tinadtad na sariwang dahon at buong halaman sa 2 basong tubig. Dosis: Isang tasa bawat apat na oras sa matanda, kalahating tasa bawat apat na oras para sa (7-12 taon), (2-6 taon) ¼ tasa bawat 4 na oras at Sanggol: 1 kutsara bawat 4 na oras.

Lagundi – Mabisa rin ito sa ubo at sa sipon. Pakuluan ng 15 minuto ang 4 na kutsarang tinadtad na tuyong dahon o 6 na kutsarang tinadtad na sariwang dahon sa 2 basong tubig. Dosis: Matanda: 1 tasa, bawat 4 na oras. Bata: (7-12 taon) ½ tasa bawat 4 na oras. Sanggol:1 kutsara bawat 4 na oras.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Gamot sa Lagnat: Paggamot sa Sintomas at Mismong mga Sanhi ng Lagnat
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO